2 lalaking walang helmet nahulihan ng shabu sa Quezon City

By Justinne Punsalang November 07, 2018 - 04:51 AM SHARE(S):
Contributed photo

Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng mga ipinagbabawal na gamot sa Barangay Culiat, Quezon City.

Nakilala ang mga drug suspek na sina Sandiyal Adil na isang taxi driver at Faand Faizal.

Ayon sa mga otoridad, natiyempuhan nila ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo nang walang suot na mga helmet.

Pinara ng mga pulis ang mga ito, at nang kapkapan ay doon nakuha mula sa dalawang lalaki ang anim na piraso ng plastic sachet ng shabu.

Tinatayang nagkakahalaga ng P70,000 ang narekober na iligal na droga.

Napag-alaman pa na kabilang ang 19 na taong gulang na si Faizal sa drug watchlist ng mga otoridad.

Dahil dito ay kapwa mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.