Lalaki patay sa pamamaril sa Rizal

By Justinne Punsalang November 07, 2018 - 03:02 AM SHARE(S):

Magwiwithdraw lamang sana ng pera sa bangko ang isang lalaki nang pagbabarilin ito ng riding in tandem sa Barangay Sto. NiƱo, sa Cainta, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Charlie Espinosa na kasama ang kanyang ama sa loob ng sasakyan.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, magtutungo lamang sana si Espinosa sa bangko nang habang nakatigil ang kanilang sasakyan dahil sa stop light at nilapitan sila ng riding in tandem.

Bumaba ang back rider ng motorsiklo at malapitang pinaputukan ang biktima.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga salarin.

Isang concerned citizen naman ang nagmagandang loob at dinala ang biktima sa pagamutan, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Sa ngayon ay nagkasa na ng dragnet operation ang mga pulis para sa ikadarakip ng mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.