Amnesty program para sa mga overstaying na Pinoy sa UAE pinalawig

By Justinne Punsalang November 07, 2018 - 03:57 AM

Welcome sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang buwang extension ng amnesty program para sa mga Pilipinong overstaying sa United Arab Emirates (UAE).

Ibig sabihin, sa December 1 pa matatapos ang amnesty program na nasimula noong buwan ng Agosto.

Ayon sa DFA, dahil sa pagpapalawig ng programa ay mas maraming mga Pilipino ang mayroong pagkakataon na makabalik ng bansa.

Hinimok ng ahensya ang mga undocumented Filipinos sa UAE na samantalahin na ang extension ng amnesty program bago pa dumating ang deadline upang makasama na nila ang kanilang mga kamag-anak.

Sa ngayon, 2,153 na mga Pinoy na ang nakauwi sa bansa sa pamamagitan ng naturang programa.

Sagot ng pamahalaan ang exit fine at ticket sa eroplano pauwi ng Pilipinas ng mga Pinoy, maging hanggang sa kani-kanilang mga probinsya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.