WATCH: PAGCOR at CCP bumuo ng isang musical

By Ricky Brozas November 07, 2018 - 12:01 AM SHARE(S):

Matapos ang matagumpay na grand musical noong nakaraang taon, muling bumuo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Cultural Center of the Philippines (CCP) ng isang musical tampok ang samut-saring sayaw mula sa ibat-ibang mga bansa.

Tampok sa “Dances of the World, Tara Biyahe Tayo” musical ang mga tanyag na sayaw mula China, Thailand, Argentina, France, Mexico, French Polynesia, USA, Brazil, South Africa, at India.

Itatanghal ang musical sa Tanghalang Nicanor Abelardo sa CCP, Pasay City sa November 9, 2018 ganap na alas-7 ng gabi.

Ang dance musical ay katatampukan ng PAGCOR employees mula sa kanilang corporate offices, Casino Filipino branches, at satellite operations group sa buong bansa.

May sampung grupo na magpapaligsahan mula sa Bacolod, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Pampanga, Tagaytay, at Metro Manila.

Sabi pa ni Chairman Domingo, iso-showcase sa musical ang dancing prowess ng mga empleyado at para na rin i-promote ang kanilang mga talento sa larangan ng performing arts.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.