Humiling na makapag-piyansa ang Customs broker na si Mark Taguba para sa kinakaharap nitong kasong drug smuggling.
Sa pagdinig sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46, iginiit ng abogado ni Taguba na hindi nito alam na ang metal clylinders na galing sa China ay may lamang illegal drugs.
Ayon sa abogado ni Taguba na si Atty. Raymond Fortun, hanggang ngayon ay wala pang ebidensya ang prosekusyon na ang cylinders ay nasa loob ng container o kung alam ba ng kanyang kliyente na nasa loob ang mga ito.
Ang claim aniya ng prosekusyon laban kay Taguba ay batay lamang sa sinasabi ng may-ari ng Hongfei Logistics, Inc. na ang bodega sa Valenzuela City ay nakitaan ng 602.2 kilos ng shabu noong may 2017.
Nagkasundo naman ang prosekusyon at depensa na ang testigong si resigned Customs Intelligence Chief Colonel Neil Estrella ay walang personal na kaalaman kung alam o hindi ni Taguba na may lamang shabu ang metal cylinders.
Itinakda ng korte ang hearing sa bail petition ni Taguba sa November 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.