95 nuisance candidates pinagpapaliwanag ng COMELEC
Siyamnaput-limang kandidato sa pagka-senador sa 2019 elections ang pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (COMELEC) kung bakit hindi dapat mabasura ang kanilang certificates of candidacy.
Pero nilinaw ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na hindi naman nangangahulugan ng “kiss of death” ang petisyon laban sa inaakusahang isang nuisance candidate.
Iginiit ni Jimenez na ang petisyon laban sa kandidatura ng isang tao ay isang pagkakataon para patunayan na kaya nitong maglunsad ng nationwide campaign.
Hindi aniya dapat ito masamain ng kandidato pero hindi rin naman anya sapat ang “good intentions” para makwalipikang tumakbo sa susunod na halalan.
Paliwanag ni Jimenez, nakasaad lang sa petisyon na hindi tiyak sa isang kandidato kaya dapat nitong patunayan na kaya nitong kumandidato gaya sa national level position.
Dagdag ng opisyal, hindi huhusgahan ng COMELEC ang sinuman batay sa personal na bagay at kung may kaso laban sa kandidato ay dapat itong ireklamo sa korte.
Una nang sinabi ng COMELEC na ilalabas nila ang pinal na listahan ng mga pwedeng tumakbong senador sa 2019 bago matapos ang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.