Pangulong Duterte hindi inendorso si Freddie Aguilar bilang senador — Malacañan

By Chona Yu November 07, 2018 - 12:04 AM

Kuha ni Chona Yu

Itinanggi ng Palasyo ng Malacañan na inindorso at ikinakampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte si folk singer Freddie Aguilar na kakandidatong senador sa 2019 elections.

Ito ay kahit na itinaas na ng pangulo ang kamay ni Aguilar at nakiusap sa taumbayan na iboto ang folk singer.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaaring ang ibig sabihin lamang ng pangulo na iboto si Aguilar bilang isang outsanding man at hindi sa pagka-senador.

“He may not be referring to an election. He may be referring to you people vote for this man as an outstanding man,” paliwanag ng kalihim.

Dumipensa rin si Panelo at iginiit na hindi maagang pangangampanya ang ginawa ng pangulo kundi naghayag lamang ang punong ehekutibo ng kanyang opinyon ukol sa kwalipikasyon ni Aguilar.

“Hindi naman eh. He was just expressing his opinion on the qualification of the person. Hindi naman niya sinabing iboto ninyo ito eh. Ang sinasabi niya lang, the messages of the songs of Freddie Aguilar have social content at magaling siya, brilliant,” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang naghain ng kandidatura si Aguilar sa pagkasenador sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Gayunman, itinanggi ni PDP-Laban president at Senador Koko Pimentel na bahagi ng partido nila ni Pangulong Duterte si Aguilar.

Ayon kay Panelo, wala pa namang opisyal na listahan na inilalabas ang PDP-Laban para sa mga senatorial aspirants kung kaya malaya pa si Pangulong Duterte na mag-endorso ng mga kandidato na sa tingin niya ay ka-endo-endorso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.