Inilunsad ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ang bagong identification card para sa overseas Filipino worker kapalit ng I-DOLE OFW I.D.
Ang OFW e-Card ay pwede nang proof of membership at overseas employment certificate (OEC) para sa lahat ng OFW. Ang naturang certificate ay kailangang dokumento bago makapagtrabaho ang Pinoy sa ibang bansa.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, ang OWWA ang tanging ahensya sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may legal mandate na magbigay ng e-Card para sa OFW.
Sa pamamagitan anya ng OFW e-Card, ang OFW na miyembro ng OWWA ay mayroong mabilis na access sa mga programa at serbisyo ng ahensya kabilang ang scholarship, training at social benefit.
Sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na wala nag babayarang airport fees ang OFW na may OFW e-Card.