Nagkansela ang Cebu Pacific ng international at domestic flights sa November 12 hanggang 17 at sa November 19 hanggang 23 dahil sa pagsasara ng runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Isasara ang NAIA runway mula 12:00 am hanggang 6am sa November 12 hanggang 17 at sa November 19 hanggang 22 para sa maintenance work ng Civil Aviation of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA).
Ang mga kanseladong international flights sa November 12 hanggang 17 at November 19 hanggang 22 ay ang sumusunod:
– 5J 409/410 Manila-Bandar Seri Begawan-Manila
– 5J 288 Manila-Guangzhou
– 5J 114/115 Manila-Hong Kong-Manila
– 5J 733 Manila-Kota Kinabalu
– 5J 362/363 Manila-Macau-Manila
– 5J 257/258 Manila-Siem Reap-Manila
– 5J 753/754 Manila-Saigon-Manila
– 5J 268/269 Manila-Xiamen-Manila
Habang ang kanseladong domestic flights sa November 12 hanggang 17 at November 19 hanggang 22 ay ang sumusunod:
– 5J 471/472 Manila-Bacolod-Manila
– 5J 377/378 Manila-Cagayan De Oro-Manila
– 5J 557/556 Manila-Cebu-Manila
– 5J 579 Manila-Cebu
– 5J 589 Manila-Cebu
– 5J 981/982 Manila-Davao-Manila
– 5J 461/462 Manila-Iloilo-Manila
– 5J 467 Manila-Iloilo
– 5J 855/856 Manila-Zamboanga-Manila
Samantala, ang kanseladong international flights sa November 13 hanggang 18 at November 10 hanggang 23 ay ang sumusunod:
– 5J289 Guangzhou-Manila
– 5J734 Kota Kinabalu-Manila
Ang kanseladong domestic flights sa November 13 hanggang 18 at November 19 hanggang 23 ay ang sumusunod:
– 5J 582 Cebu-Manila
– 5J 590 Cebu-Manila
– 5J 468 Iloilo-Manila
Pinayuhan ng Cebu Pacific ang mga apektadong pasahero na mag-rebook ng flight sa loob ng 30 araw mula sa original departure date o ilagay ang halaga ng tiket sa Travel Fund para sa paggamit sa hinaharap o kaya ay humingi ng full refund.