Mga miyembro ng gabinete binigyan ng lecture sa droga at military issue

By Chona Yu November 06, 2018 - 08:31 PM

Inquirer file photo

Binibigyan ng lecture ng Malacañang ang mga cabinet members ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa ilegal na droga at militarisasyon sa gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvdor Panelo, isang military man ang magbibigay ng lecture sa mga miyembro ng gabinete na ginaganap ngayon sa Malacañang.

Posible rin na magbigay ng dagdag na lecture ang pangulo sa mga miyembro ng kanyang gabinete.

Paliwanag ni panelo, mahalaga na maturan ang mga tauhan ng pangulo ukol sa dalawang isyu dahil maituturing na bahagi ito ng national security.

Mainam na rin aniya na maging malawak ang kaalaman ng mga miyembro ng gabinete para kapag tinanong ng media o ng publiko ay maayos na maipaliliwanag ang kampanya ni Pangulong Duterte.

Matatandaang makailang beses nang idenipensa ng pangulo ang pagtatalaga ng mga retiradong military officials sa gobyerno dahil sa mabilis na magtrabaho, hindi kurakot at hindi reklamador.

TAGS: cabinet meeting, drugs, duterte, lecture, militarization, panelo, cabinet meeting, drugs, duterte, lecture, militarization, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.