Pagmumura at mga bastos na pananalita bawal na sa Baguio City
Ipinanasa na at isa ngayong ganap na ordinansa sa Baguio City ang Anti-Profanity Ordinance.
Nangangahulugan ito na bawal na ang malalaswang pananalita pati na ang pagmumura sa nasabing lungsod.
Sinabi ni Baguio City information officer Dexter See na nilagdaan na ni Mayor Mauricio Domogan ang nasabing ordinansa.
Sa nasabing ordinansa ay laman ang pagbabawal ng mga “profane words” sa mga lugar na madalas puntahan ng publiko at mga kabataan.
Kabilang dito ang mga paaralan, unibersidad, computer shops at ilang mga establishemento.
Ipinaliwanag ni City Councilor Lilia Fariñas na siyang may akda ng nasabing ordinansa na laman ng Anti-Profanity Ordinance ang pagbabawal sa mga pagmumura, paninira, name-calling, pambabastos at mga kahalintulad na pananalita.
Nilinaw rin ng opisyal na nakatuon sa mga kabataan ang nasabing ordinansa.
Para sa unang paglabag ay kakausapin ang isang nagkasala at ipapaliwanag sa kanya ang laman ng ordinansa ng lungsod.
Kapag muling nasundan ang paglabag ay pwedeng masuspinde o kaya ay mapatalsik sa klase sa ang isang kabataan kung ito ay sa learning institution naganap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.