Character actor na si “Bangkay” natagpuang patay

By Len Montaño November 06, 2018 - 05:24 PM

Twitter photo

Pumanaw na ang character actor na si Nonong De Andres na kilala sa showbiz sa pangalang “Bangkay” at madalas ang paglabas sa mga horror movie.

Wala nang buhay ang 71-anyos na si De Andres ng makita ng mga kawani sa Tumagay Beach Resort sa Plaridel, Quezon kaninang umaga.

Ang pagyao ni Bangkay ay inanunsyo sa social media ng kanyang pamangkin na si Powie Capino.

Humiling ng dasal sa publiko si Capino para sa kanyang tiyuhin.

Ayon sa pulisya, walang foul play sa pagkamatay ng aktor pero sasailalim pa rin ang bangkay nito sa autopsy.

Bukod sa mga nakakatakot na mga pelikula ay lumabas din si De Andres sa ilang drama series gaya ng “Forever More”, “Bagani” at “Alyas Robin Hood”.

Ito ay ilan lamang sa maraming pelikula at tv appearance ni Bangkay sa buong acting career nito.

TAGS: aktor, bangkay, nonong de andres, aktor, bangkay, nonong de andres

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.