Binigyan ng marching order ni Finance Secretary Sonny Dominguez si bagong Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na magkaroon ng P50 Billion na revenue collection kada buwan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bukod sa revenue collection target na P55 Billion kada buwan, inatasan din ni Dominguez si Guerrero na linisin ang BOC sa korapsyon.
Dagdag ni panelo, ginawa ni Dominguez ang utos kay Guerrero nang magpulong sila noong Miyerkules.
“The movement is that the Secretary of Finance and the newly designated BOC Commissioner met last Wednesday; and the marching orders of Secretary Dominguez to BOC Commissioner Guerrero was to rid the BOC of corruption and get a monthly revenue collection of 55 billion pesos a month as their target”, ayon sa kalihim.
Samantala, ayaw na munang magkomento ng palasyo sa panukala ni Senate President Tito Sotto na isapribado na ang BOC.
Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Guerrero sa BOC kapalit ni dating Commissioner Isidro Lapeña na tinanggal sa puwesto matapos malusutan ng P6.8 Billion na halaga ng shabu.