LTFRB posibleng repasuhin ang fare hike sa jeep
Maaring repasuhin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P2 dagdag sa minimum na pamasahe sa jeep.
Ito ay makaraang ihayag ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade na dapat pag-aralan muli ng LTFRB ang naging pasya nito.
Ayon kay LTFRB Executive Director Samuel Jardin, may nakatakdang pulong ang board sa Miyerkules, Nov. 7 at maaring matalakay ang fare hike.
Inaprubahan ng LTFRB ang pagtaaas sa P10 ng minimum na pamasahe sa jeep dahil sa nagdaang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Pero sa nakalipas na apat na linggo, sunod-sunod naman ang naging bawas sa presyo ng langis.
Kaya naman ang grupo ng mga commuter sinabing maghahain sila ng petisyon para ibalik sa dati ang halaga ng pamasahe sa jeep.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.