Inflation patunay na mapaminsala ang TRAIN Law – Rep. Zarate
Patunay lamang ang 6.7 percent October inflation rate na mapaminsala ang TRAIN Law ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.
Ayon kay Zarate, lubhang apektado ng TRAIN ang mga mahihirap na pamilya.
Nangangagulugan din anya na bigo ang gobyerno sa anti-inflationary measures nito dahilan upang hindi nagbago ng inflation mula noong buwan ng Setyembre.
Maari pa nga anya ito tumaas sa huling quarter ng taon dahil pagtaas ng singil sa tubig at sa pamasahe.
Binatikos din nito ang P25 na umento sa sahod ng mga manggagawa sa NCR dahil ayon kay Zarate hindi ito makakaagapay sa pamumuhay ng isang pamilya.
Paliwanag nito, upang mabuhay ng marangal sa NCR kailangan ng isang pamilya na may miyembro na lima ng P1, 001 kada araw.
Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ni Zarate na alisin ang 12 percent VAT sa produktong petrolyo, singil sa tubig at kuryente gayundin ang pagsasabatas nt P750 national minimum wage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.