Grupo ng mga manggagawa pwedeng iapela ang ibinigay na P25 na dagdag-sahod

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2018 - 12:21 PM

Maaring maghain ng panibagong petisyon para sa wage increase ang mga grupo ng manggagawa sa Metro Manila.

Ayon kay Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III, kung mayroong maghahain ng panibagong petisyon ay muli itong pag-aaralan ng wage board.

Reaksyon ito ni Bello kasunod ng pahayag ng maraming grupo na maliit at hindi sapat ang ibinigay na P25 na minimum wage increase.

Umaasa naman si Bello na hindi mauuwi sa protesta at strike ang pagkadismaya ng mga manggagawa sa naging pasya ng wage board.

Samantala, sinabi naman ni National Wages and Productivity Commission Executive Director Maria Criselda Sy pwede ring maghain sa kanilang ng apela na hihiling na baguhin ang P25 na inaprubahang dagdag sahod.

Mayroon aniyang 10-araw matapos ang publication ang mga grupong gustong umapela.

TAGS: Metro Manila, Radyo Inquirer, Silvestre Bello, wage hike, wage increase, Metro Manila, Radyo Inquirer, Silvestre Bello, wage hike, wage increase

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.