Gupong National Free Workers hindi rin kontento sa P25 na umento sa sahod sa NCR

By Ricky Brozas November 06, 2018 - 11:54 AM

Naniniwala ang grupong National Free Workers na ang 25 pesos na umento na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng NCR ay hindi umano sapat dahil sa inflation rate.

Ayon kay NFW President Atty. Sonny Matula dapat pareho lang umano ang sahod sa probinsiya at sa Metro Manila dahil pareho lang umano ang presyo ng gasolina sa Maynila at sa mga probinsiya.

Maging ang mga pangunahing bilihin aniya gaya ng sardinas, noodles ay parehas lang ang presyo mapa-Maynila man o probinsya.

Mungkahi ni Atty. Matula na panahon na para buwagin ang Regional Tripartite Wage Productivity Board at kailangan na irebisa ang ating batas sa minimum wage na noon pang 1989 nasa ilalim ng Regional Wage Boards.

Una rito hiniling ng grupong TUCP na dapat P334 ang dapat na idagdag upang makaagapay ang mga manggagawa sa mga nagsisipagtaasan na bilihin sa merkado.

TAGS: DOLE, Labor, National Free Workers, DOLE, Labor, National Free Workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.