Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naitala ang lindol sa 181 kilometers southwest ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig, alas 10:09 ng umaga ng Martes, Nov. 6.

Tectonic ang origin ng lindol at 68 kilometers ang lalim.

Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng aftershocks at pinsala.

Read more...