DFA inaalam na ang ulat na paglalagay ng weather observation stations ng China sa West PH Sea

By Chona Yu November 06, 2018 - 10:37 AM

Kumikilos na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para berepikahin ang ulat na naglagay at binuksan na ng China ang Weather Observation Stations sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakikipag-ugnayan na ang DFA sa Philippine Embassy sa China maging sa iba pang sangay ng pamahalaan para alamin kung totoo ang ulat ng South China Morning Post na operational na ang kanilang weather stations sa mga artificial islands.

Ayon sa ulat ng naturang pahayagan, naka install ang weather stations sa Kagitingan, Subi at Panganiban reefs na sakop na ng Pilipinas.

Tiniyak pa ni Panelo na gagawa ng kaukulang hakbang ang Pilipinas kapag napatunayan na operational na ang weather stations ng China sa mga nabanggit na isla.

TAGS: Beijing, China, DFA, West Philippine Sea, Beijing, China, DFA, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.