“Ninja cop” patay sa buy-bust sa Dipolog City

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2018 - 10:29 AM

Patay ang isang police officer sa buy-bust operation na ikinasa ng mga tauhan ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) ng Philippine National Police (PNP) sa Dipolog City.

Nasawi si Supt. Santiago Rapiz makaraang manlaban sa mga nagkasa ng operasyon Andres Bonifacio Compound sa naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, natunugan ng pulis na undercover agent ang kaniyang katransaksyon.

Tinangka pa ng suspek na tumakas at nang masukol siya ng mga kapwa-pulis ay bumunot ito ng baril at nagpaputok.

Doon na siya pinaputukan ng mga pulis na kaniyang ikinasawi.

Nakuha kay Rapiz ang ilang sahcet ng shabu na tinatayang aabot sa 25 grams ang timbang, kalibre 45 na baril at buy bust money.

TAGS: Dipolog City, Radyo Inquirer, Dipolog City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.