Tatlo arestado matapos makuhanan ng marijuana sa Malabon

By Jong Manlapaz November 06, 2018 - 09:21 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ang dalawang hihinalang tulak ng bawal na gamot sa M. Naval St, Hulong Duhat, Malabon City.

Naaresto sa kinasang anti-drug operation ng Malabon Police ang mga suspek na sina Roy Ruiz Jr. alyas Japok, 32 anyos at Edwin Abaja, 31 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon nagsagawa ang SDEU sa pangunguna ni P/Sr. Insp. Johnny Baltan ng buy-bust operationlaban sa dalawa na positibong benentahan sila ng marijuana.

Nakuha sa mga suspek ang ilang gramo ng marijuana at drug money.

Samantala inaresto naman si James Norbert Alonzo, 24 anyos sa Samson St, Baritan, Malabon City matapos siyang maaktuhan ng mga pulis na sinusuri ang hawak nitong ilang gramo ng marijuana.

TAGS: buy bust, drug suspects, Malabon, Radyo Inquirer, buy bust, drug suspects, Malabon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.