Campaign ad ni Trump na pinuna sa umano’y pagiging racist inalis sa Facebook at mga news agency sa Amerika

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2018 - 08:42 AM

Dahil sa mga reklamo ng pagiging racist, tinanggal na ng Facebook, at mga news network na NBC at Fox News ang campaign ad na mistulang bumabatikos sa caravan ng Central American migrants at isang Mexican na nahatulan sa pagpatay.

Ang grupong “Donald J. Trump for President” ang nagbayad ng naturang ads at nai-broadcast na noong Linggo.

Sa nasabing ads, makikita ang footage sa courtroom ng Mexican immigrant na nahatulan sa pagpatay sa isang pulis noong 2014.

May mga eksena din ng caravan na tila tumutukoy sa nagpapatuloy na caravan ng mga Central American migrants.

Ginawa ang ads para hikayatain ang mga btoante na piliin ang kandidato ng republican Party ni Trump.

Sa pahayag ng NBC, matapos nilang busisiin ay natukoy nilang insensitive ang ads kaya nagpasya silang itigil na ang pag-ere nito.

Ang naturang ads ay hindi tinanggap ng CNN dahil sa pagiging “racist”.

TAGS: campaign ads, donald trump, Radyo Inquirer, campaign ads, donald trump, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.