P5M nalugi dahil sa fish kill sa Taal Lake

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2018 - 08:12 AM

PHOTO COURTESY OF TAAL VOLCANO PROTECTED LANDSCAPE OFFICE

Aabot sa P5 milyon ang halaga ng nalugi sa mga fish cage operator sa bayan ng Agoncillo sa Batangas dahil sa fish kill sa Taal Lake.

Ayon kay Agoncillo Mayor Daniel Reyes, partikular na apektado ng fish kill ang bahagi ng Barangay Subic Ilaya.

Sinabi naman ni Reyes na hindi pa naman nakaaalarma ang insidente dahil maliit na bilang lamang ng mga cages ang apektado.

Partikular na naapektuhan ang nasa 105 na cages sa nasa 1,555 na nag-ooperate sa nasabing bayan.

Dahil dito, mamamahagi na ng tilapya fingerlings ang lokal na pamahalaan para makatulong sa maliliit na cage operators.

 

TAGS: Batangas, Fish kill, Radyo Inquirer, Batangas, Fish kill, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.