6 arestado sa magkahiwalay na operasyon sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2018 - 06:39 AM

Arestado ang anim na drug suspects sa magkahiwalay na operasyon na ikinasa sa Quezon City.

Unang nadakip ang isang lalaki na dati nang nakulong dahil sa pagtutulak ng droga sa Barangay Holy Spirit.

Ikinasa ang buy-bust operation sa nasabing suspek at positibong nakabili ng P500 halaga ng ilegal na droga ang poseur buyer sa suspek.

Nakuha sa kaniya ang isang kalibre .38 na baril at 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, sa Barangay Payatas naman, nasakote ng mga pulis ang 5 pahinante ng trak ng basura matapos maaktuhang bumabatak ng shabu.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa umano’y drug session ng mga suspek.

Mahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: anti illegal drug operation, Holy Spirit, Payatas, quezon city, War on drugs, anti illegal drug operation, Holy Spirit, Payatas, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.