Bilang ng mga bar examinees, record-breaking ngayong taon

By Jay Dones November 08, 2015 - 11:09 PM

 

File photo

Record-breaking ang dami ng mga estudyanteng kumuha ng bar exams sa University of Santo Tomas ngayong araw, November 8.

Umabot sa kabuuang 7,146 na mga law graduates ang nagtungo sa naturang pamantasan bilang unang bahagi ng serye ng mga pagsusulit na gagawin tuwing Linggo ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Supreme Court, tumaas ang bilang ng mga examinees ngayong taon dahil sa pag-alis ng 5-take rule sa pagkuha ng exams.

Sa ilalim ng 5-take rule, hindi na puwedeng kumuhang muli ng bar ang isang graduate kung limang ulit na itong bumagsak sa eksaminasyon.

Noong January, nagpasya ang Supreme Court na ilipat sa November ang bar exams, dahil sa pagbabago sa academic calendar.

Dati, ginaganap ang pagsusulit tuwing buwan ng October.

Maaga pa lamang, mahigpit na ang seguridad sa paligid ng UST matapos magpakalat ng 200 pulis ang Manila Police District.

Limang taon na ang nakalilipas nang bulabugin ng trahedya ang bar exams nang sumabog ang isang granada sa harap ng La Salle Taft Campus kung saan ginanap ang 2010 bar examinations.

Sa naturang insidente, umabot sa limampung examinees at mga taga-suporta ng mga ito ang nasaktan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.