CJ Perez ng Lyceum, suspendido sa Game 1 ng NCAA Finals

Hindi makakalaro sa Game 1 ng Game 1 NCAA Season 94 men’s basketball tournament ang ace player ng Lyceum University na si CJ Perez.

Ito ay may kinalaman sa paglabag ni Perez sa panuntunan ng NCAA dahil sa kabiguan nitong maipaalam sa pamunuan ng liga sa pamamagitan ng pagsulat na siya ay nag-apply sa PBA draft set.

Ayon kay NCAA Management Committee Chairman Frank Gusi, sa ilalim ng rules ng NCAA ay dapat ipaalam ng student athelete ang intensiyon nitong sumali sa draft ng kahit anumang professional league bago pa ang pagsusumite ng aplikasyon dito.

Kasunod ito, ay inapela pa ng Lyceum ang pagpataw suspensiyon pero nandigan ang NCAA na ipatupad ang nauna nang desisyon.

Makakalaban ng koponan sa finals ang defending champion na San Beda.

Read more...