Sa isang press conference, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nagpadala na siya ng liham sa CAAP para sa naturang request.
Nais pa ni Bello na dapat i-remit ng CAAP ang naturang pondo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nagsisilbing trustees ng mga OFW.
Dagdag pa ng kalihim, dapat ay itigil na ng CAAP ang pangongolekta ng terminal fee at travel tax sa mga OFW dahil simula pa noong 2015 ay exempted na ang mga ito sa naturang mga bayarin.
Ani Bello, maaari namang humingi ng refund ang mga OFW para sa kinuha sa kanilang terminal fee at travel tax ngunit wala nang oras ang mga ito para pa pumila.
Hinimok ni Bello ang mga airline companies na huwag nang patawan ng terminal fee at travel tax ang ticket na bibilhin ng mga OFW.