Cabinet Sec. Nograles, umaasang makakapagdala ng pag-unlad sa mga rehiyon

By Len Montaño November 06, 2018 - 04:23 AM

Malacañang Photo

Umaasa si bagong talagang Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na makapagdala siya ng pag-unlad sa mga rehiyon
bilang bagong miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinasalamatan ni Nograles ang Pangulo sa pagtanggap sa katulad niyang taga Mindanao kaya nais nito na makatulong
sa hakbang ng gobyerno na paunlarin ang mga rehiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang programa.

Partikular na nais ng dating kinatawan ng 1st District ng Davao na magkaroon ng mas maraming oportunidad sa labas
ng Metro Manila.

Kumpyansa naman si Nograles na dahil sa kanyang karanasan bilang Chairman ng House appropriations committee ay
pangkalahatang pananaw ang kanyang magagawa sa bansa.

Bilang Cabinet Secretrary, tutulungan ni Nograles si Pangulong Duterte sa pagbuo ng agenda sa deliberasyon ng
gabinete at mag-facilitate ng mga pulong ng mga kalihim.

TAGS: Karlo Alexi Nograles, Karlo Alexi Nograles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.