Sagay City Police, nagsampa ng kaso laban sa human rights group na ‘Karapatan’

Nagsampa ng kasong kidnapping ang Sagay City Police laban sa human rights group na Karapatan dahil sa pagkanlong

sa isang 14 anyos na testigo sa masaker ng 9 na magsasaka.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde, nilabag ng Karapatan ang batas dahil
sa pag-kustodiya sa isang menor de edad na hindi naman nila kaanak.

Hindi aniya tama na kinuha ng grupo ang binatilyo na hindi naman nila kaano-ano at harangan ang kalayaan nito.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Chief Supt. John Bulalacao, Director ng PNP Western Visayas, nagsampa ng kaso
ang pulisya noong nakaarang linggo sa hiling na rin ng ama ng menor de edad.

Una nang nagsampa ang PNP ng multiple murder cases laban sa mga nag-recruit sa 9 na magsasaka para sumapi sa
National Federation of Sugar Workers (NFSW).

Read more...