Freddie Aguilar, inindorso ni Pangulong Duterte sa pagkasenador

By Chona Yu November 06, 2018 - 04:17 AM

Kuha ni China Yu

Inindorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni folk singer Freddie Aguilar sa pagkasenador sa 2019
eleksyon.

Sa inagurasyon ng Parañaque Integrated Terminal Exchange, hiniling ng pangulo sa mga botante na ikunsidera si
Aguilar lalot labing dalawang pwesto naman ang kinakailangan na iboto sa pagkasenador.

Pabiro pang pinagbantaan ng pangulo ang mga botante na kapag hindi ibinito si Aguilar ay kanya itong iisa-isahin.

Naniniwala ang pangulo na matalino, makabayan at nationalist si Aguilar.

“In his time, in our generation, he has several messages for the Filipinos to remember. Kaya ako, kasali kayo, pag hindi
niyo binoto yan bantay kayo sa akin isa-isahin ko kayo. Tulungan natin si Freddie because he is one exemplary
nationalist guy and do not ever think that Tagalog lang. He’s my friend, he’s a brilliant guy, he can talk and he can help
the country,” pahayag ni Duterte.

Lahat aniya ng kanta ni Aguilar gaya ng Magdalena, Pipi at Bingi ay mayroong social aspect at pawang mga protests
songs.

Naniniwala ang pangulo na ang mga kanta ni aguilar ay maaring isalin sa pagbibigay serbisyo sa senado.

“Maybe he can relate or translate his songs in Congress and give him a chance also, give him a platform to tell us about
what he feels. Isang nationalist,” ayon sa pangulo.

Dagdag ng Pangulo, isa si Aguilar sa mga taong may pagmamahal sa bayan.

TAGS: freddie aguilar, Rodrigo Duterte, freddie aguilar, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.