OSG, pinababasura ang hiling ng isang telco company laban sa panuntunan sa pagpili ng 3rd telco player
Ipinababasura sa korte ng Office of the Solicitor General (OSG) ang hiling ng isang telecommunications company laban
sa panuntunan sa pamimili ng ikatlong telco player sa bansa.
Bilang kinatawan ng National Telecommunications Commission (NTC), sinabi ng OSG sa Manila Regional Trial Court
Branch 42 na ibasura ang petisyon ng Now Telecoms para sa writ of preliminary injunction dahil sa kawalan ng merito.
Ito ay matapos tutulan ng Now Telecom ang ilang probisyon sa bidding ng third major telco.
Pero sinabi ng OSG na iligal ang petisyon ng Now Telecom dahil nasa Republic Act No. 8975 na bawal ang paglalabas ng
preliminary injunction para pigilan ang bidding o pag-award ng gobyerno ng infrastructure project.
Dagdag ng OSG, moot o walang bisa na ang nais ng naturang telco na preliminary injunction dahil nagpahayag na ito ng
kagustuhan na matuloy na ang selection process para sa bagong telco player na magbibigay ng mas mabilis at mas
murang internet service sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.