LTFRB, nakapamahagi na ng mahigit 2,000 bagong fare matrix para sa mga jeep

Namahagi na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mahigit 2,300 na bagong fare
matrix sa mga driver ng jeep.

Sa datos ng LTFRB, nasa 2,365 na mga fare matrix ang naibigay na nila sa National Capital Region (NCR), Regions 3 at 4.

Nakasaad sa fare matrix ang bagong kwenta ng pamasahe kasunod ng pag-apruba sa P2 fare increase noong Oktubre.

Kung walang fare matrix na nakalagay sa loob ng jeep ay hindi pwedeng maningil ang driver ng P10 na minimum na
pamasahe.

Una ng sinabi ng ahensya na kapag naningil ang jeepney driver ng dagdag na pamasahe ng wala pang bagong fare
matrix ay pangmumultahin ito alinsunod sa Joint Administrative Order 2014-01.

Hanggang araw ng Lunes, nasa 803 fare matrix ang naipamahagi na ng LTFRB NCR office habang 717 sa Region 3 at 566
sa Region 4 samantalang 279 fare matrix naman ang naibigay na ng punong tanggapan ng ahensya.

Read more...