Pamunuan ng MRT3 humingi ng paumanhin sa PWD incident

By Justinne Punsalang November 06, 2018 - 05:01 AM

Naglabas ng pahayag ang pamunuan ng MRT-3 kaugnay sa hindi pagpapapasok ng mga security guard sa isang pasaherong mayroong kapansanan sa North Avenue station kamakailan.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, kasalukuyan na silang nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa insidente.

Pagtitiyak pa ng pamunuan, hindi palalampasin ng kanilang hanay ang pangungutya sa mga pasaherong mayroong kapansanan.

Nag-ugat ang pahayag sa isang Facebook post ni Shirley Iyulores kung saan sinabi nito na napahiya ang kanyang anak na mayroong autism matapos sabihan ng mga guard na peke ang hawak nitong PWD ID. Bukod pa dito ay hindi pinayagang makapasok sa train station ang kanyang anak.

Aniya pa, mayroong hawak na PWD beep card ang kanyang anak ngunit hindi pa rin ito pinayagang makapasok sa istasyon.

Paliwanag ng pamunuan ng MRT-3, bahagi ng kanilang protocol ang tiyakin na hindi peke ang ipiniprisentang PWD ID ng mga pasahero.

Gayumpaman, ay tiniyak ng pamunuan na papaalalahanan nila ang kanilang mga security guard na dapat irespeto at hindi ipahiya ang mga pasahero.

TAGS: MRT, pwd, MRT, pwd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.