Enrile, iginiit na nais niyang maglingkod sa bayan kaya tumatakbo muling Senador

By Rod Lagusad November 06, 2018 - 04:47 AM

Iginiit ni dating Senador Juan Ponce Enrile na kaya siya ay tumatakbo muli bilang Senador ay para maglingkod sa bansa at hindi lang makakuha ng parangal o kumita.

Sa kanyang Facebook post, ibinagi rin niya na wala siyang planong gumastos para sa kampanya dahil wala siyang sapat na pondo para dito.

Aniya siya ay mangangampanya sa pamamagitan ng limitadong budget.

Ayon kay Enrile magiging simple lang ang kanyang kampanya at siya ay pangunahing dededpende sa mga volunterr at sa social media sa pagpaparating ng kanyang mensahe.

Si Enrile ay tumatakbo sa ilalim ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating Pangulo at ngayon ay Manila City mayor Joseph Estrada.

TAGS: juan ponce enrile, juan ponce enrile

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.