Grab driver, kabilang sa naaresto sa buy bust operation sa Makati City

Arestado ang tatlo katao, kabilang ang isang Grab driver matapos magkasa ng drug operation ang mga pulis sa Barangay Pinagkaisahan sa Makati City.

Nakilala ang mga drug suspek na sina Junbel Golez na isang Grab driver, Homer Kalaw, at Larry Johnson.

Nabatid na sina Golez at Kalaw ang nagbabagsak ng mga ipinagbabawal na gamot sa terminal ng mga jeep sa bahagi ng Guadalupe.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 11 sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...