Halos 60 toneladang basura nakolekta ng MMDA matapos ang Undas
Umabot sa 202.61 cubic meters o 57.95 toneladang basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa nakalipas na Undas.
Sa datos na hawak ng ahensya, ang naturang bilang ay mula October 29 hanggang November 3 at mula ito sa 27 mga sementeryo sa Metro Manila.
Ayon sa MMDA, pinakamaraming basura ang kanilang nakuha mula sa lungsod ng Malabon, partikular sa Tugatog Cemetery kung saan 96 cubicmeters ang kanilang nakuha.
Ani Metro Parkway Clearing head, Francisco Martinez, tanging ang Malabon lamang ang humingi ng tulong sa pagkuha ng mga iniwang basura sa loob ng kanilang mga sementeryo dahil ang ibang mga lungsod ay nagsagawa ng sariling koleksyon.
Aniya, sa ibang mga lungsod naman, tanging ang mga naiwang kalat sa labas ng mga sementeryo ang kanilang kinuha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.