2 tulak ng droga patay sa Bulacan

By Justinne Punsalang November 06, 2018 - 04:42 AM

Napatay ng mga pulis ang dalawang drug suspek sa kalagitanaan ng buy bust operation sa Barangay Sto. Cristo sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Joseph Estrera alyas Betong na siyang pangunahing target ng operasyon, at kasama nitong nakilala lamang sa layas na Enteng.

Ayon sa mga otoridad, matapos magkaabutan ang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer at si Estrera ay nakatunog ang mga suspek na pulis pala ang katransaksyon.

Sinubukan ng mga ito na tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Ngunit nang sundan ng mga pulis ay pinaputukan ng mga suspek ang mga otoridad at doon na naganap ang engkwentro na ikinasawi ng dalawa.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang kalibre .38 baril at mga sachet ng shabu.

Napag-alaman na sina Estrera at alyas Enteng kapwa suspek din sa serye ng mga pagnanakaw sa lugar.

TAGS: Bulacan, drugs, Bulacan, drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.