Pines Theater sa Baguio City tinupok ng apoy

By Justinne Punsalang November 06, 2018 - 04:41 AM

Nasunog ang kilalang Pines Theater sa Baguio City, Lunes ng gabi.

Batay sa ulat, alas-6:30 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa sinehan na ngayon ay mas kilala na sa tawag sa Pines Arcade, kung saan nakatayo ang ilang mga tindahan ng damit, gadgets, at pagkain.

Hindi pa batid ang sanhi ng pagliliyab, ngunit pinaniniwalaang nagsimula ito sa basement ng gusali.

Makalipas ang dalawang oras ay na-contain na ng mga otoridad ang sunog at idineklara itong fire under control.

Maswerteng walang nadamay na gusali sa pagliliyab at wala ring naitalang nasugatan dahil dito.

Ngunit kinailangang pansamantalang putulin ng mga otoridad ang kuryente sa lugar at i-divert ang traffic sa kahabaan ng Lower Session Road.

1930s nang itayo ang Pines Cinema na 500 metro lamang ang layo mula sa Burnham Park.

TAGS: baguio city, Pine trees, sunog, baguio city, Pine trees, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.