Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) batay sa datos na hawak ni Philippine Ambassador to Italy Domingo Nolasco.
Ani Nolasco, ligtas ang nasa 168,000 mga Pinoy sa Italy.
Ngunit pinayuhan nito ang mga Pilipino sa nabanggit na bansa na manatiling naka-alerto at imonitor ang galaw ng bagyo.
Kasabay nito ay nagpahayag ng pakikiramay si Foreign Affrairs Assistant Secretary Elmer Cato sa pamilya ng 29 na nasawi dahil sa pagbayo ng bagyo na nagdulot ng matinding pagbaha sa bansa.
Nananatili namang nakaalerto ang embahada ng Pilipinas sa Roma, Consulate General sa Milan, at Honorary Consulate sa Venice upang bantayan ang lagay ng mga Pinoy sa bansa.
Nakikipag-usap rin ang mga ito sa mga lider ng Filipino community sa Abruzzo, Liguria, Lombardy, Veneto, Friuli-Venezia-Giulia, at Trentino Alto Adige upang imonitor ang kanilang mga sitwasyon.