Spice Girls magkakaroon ng reunion tour sa 2019

By Justinne Punsalang November 06, 2018 - 04:30 AM

Courtesy of Spice Girls

Tila nagpapatuloy ang trend ng reunion at reboot ng mga 90s at 2000s TV series at bands.

Ngayong araw kasi ay inanunsyo ng UK girl group na Spice Girls na magkakaroon sila ng reunion concert tour sa 2019.

Sa isang nakakatawang short video na ipinost sa Twitter at Instagram account ng grupo ay inanusyo nila ang kanilang concert tour.

Ngunit kapansin-pansin na apat lamang, imbes na limang mga miyembro ang kasama sa concert. Wala sa lineup si Victoria Beckham o mas kilala rin sa tawag na Posh Spice.

Mapapanood sa video na muling nagbalik ang natitirang apat na miyembro na sina Emma Bunton, Geri Horner, Mel B, at Mel C sa kanilang mas kilalang karakter bilang sina Baby, Ginger, Scary, at Sporty Spice.

Nagpatikim pa ang mga ito ng sample ng kanilang singing chops sa pamamagitan ng pagkanta ng acapella ng ‘Spice Up Your Life.’

2016 pa lamang nang agsimulang umugong ang reunion plans ng grupo; ito kasi ang 20th anniversary ng kanilang unang hit single na ‘Wannabe.’

Magsisimula ang concert tour ng grupo sa June 1 na gaganapin sa Manchester Stadium at matatapos sa June 15 sa Wembly Stadium.

Magbubukas naman box office para sa concert tour ng Spice Girls sa Sabado, November 10 sa ganap na alas-10:30 ng umaga, oras sa United Kingdom.

TAGS: spice girls, spice girls

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.