Mga bulok na pampasaherong sasakyan bawal sa PITX

By Chona Yu November 05, 2018 - 07:44 PM

DOTr photo

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Transportation na ipagamit sa mga pampublikong sasakyan ang bagong Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sa inagurasyon ng PITX sa Parañaque City, sinabi ng pangulo na dapat tiyakin din ng DOTr na pasok sa standard ng road worthiness ang mga sasakyan na gagamit sa bagong terminal.

Dapat din aniyang tiyakin na sumusunod ang mga sasakyan sa lahat ng environmental laws.

Ayon sa pangulo, aabot sa isandaang libong pasahero kada araw anng kayang bigyan ng serbisyo ng PITX.

Ibinida ng pangulo na maituturing ang bagong terminal na state of the art at maihahambing sa airport na kayang magbigay ng online bus reservation.

Ayon sa pangulo ligtas at maayos ang bagong terminal na itinayo sa pagtutulungan ng Megawide group at DOTr sa ilalim ng Build Build Build program ng pamahalaan.

Ang nasabing makabagong transport terminal ang siyang magiging bagong sakayan at babaan ng mga pasaherong papunta at mula sa Southern Tagalog area.

Bukod sa mga bus ay magsisilbi rin itong terminal para sa mga AUV, jeepney at taxi.

TAGS: Bild, dotr, duterte, megawide, pitx, tugade, Bild, dotr, duterte, megawide, pitx, tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.