Malakanyang tiwalang makatutulong sa mga manggagawa ang P25 na dagdag-sahod sa NCR

By Chona Yu November 05, 2018 - 12:17 PM

Umaasa ang Malakanyang na makasasapat ang P25 dagdag-sahod sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) para makaagapay sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iginagalang ng palasyo ang pagpapasya ng wage board.

Pero ayon sa kalihim, maari pa naman mabago ang halaga ng dagdag-sahod depende sa magiging takbo ng ekonomiya ng bansa.

Una rito, humihirit ang labor groups ng P334 na dagdag-sahod subalit P20 lamang ang alok ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).

Kapag nagging epektibo na magiging P500 hanggang P537 na ang arawang sahod ng mga mangggagawa sa Metro Manila.

TAGS: Metro Manila, Salvador Panelo, wage hike, Metro Manila, Salvador Panelo, wage hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.