Bilang ng mga pasahero sa mga pantalan, bumaba na ayon sa Coast Guard

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2018 - 12:12 PM

Photo: MARINA

Bahagya nang bumaba ang bilang ng mga pasaherong bumibiyahe sa mga pantalan sa bansa.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos para sa katatapos na paggunita ng Undas, umabot na lang sa 22,507 ang naitalang bumiyaheng pasahero mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga.

Pinakamaraming naitalang bumiyahe sa mga pantalan sa Southern Visayas na umabot sa 4,528; sinundan ng Central Visayas – 4,460; Southern Tagalog – 3,408; Southeastern Mindanao – 2,846 at Bicol – 2,504.

Sa Eastern Visayas naman nakapagtala din ng mga bumiyaheng pasahero na umabot sa 1,914; sa Northern Mindanao – 1,835; sa Western Visayas – 1,462; at sa Northwestern Luzon – 264 na mga pasahero.

Nanatili namang naging matiwasay ang sitwasyon sa mga pantalan sa buong bansa.

TAGS: Oplan Biyaheng Ayos, philippine coast guard, Undas, Oplan Biyaheng Ayos, philippine coast guard, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.