Inter-Agency Task Force on Federalism and Constitutional Reform itinatag ni Pang. Duterte

Bumuo na si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang inter-agency task force na bubusisi sa Federalism at Constitutional Reform.

Sa memorandum circular number 52, kasama sa inter-agency task force on federalism at constitutional reform ang Office of the Cabinet Secretary, Presidential Management Staff, Presidential Communications Operations Office (PCOO), Office of the Presidential Spokesman, Presidential Legislative Liaison Office, Office of the Political Adviser, Commission on Higher Education (CHED), Development Academy of the Philippines at University of the Philippines (UP) Law Center.

Si DILG-OIC Secretary Eduardo Año ang magsisilbing chairperson ng IATF habang Vice chairperson naman ang kalihim ng Department of Justice na si Secretary Menardo Guevarra.

Ipinauubaya na rin ng Malakanyang sa task force ang pagtatalaga ng permanenteng representatives na may ranggong undersecretary at assistant secretary.
Inaatasan ang inter-agency task force na magsagawa ng konsultasyon at rebyuhin ang mga probisyon na nakasaad sa 1987 Constitution pati na ang pagsasagawa ng public information drive at advocacy campaign sa pinakamababang antas sa lipunan.

Maaring kumuha ang task force ng technical at administrative support services mula sa organic personnel ng DILG o hindi kaya sa mga nabanggit na tanggapan na kasapi ng task force.

Obligado ang IATF na magsumite ng quarterly report kay Pangulong Duterte habang ito’y popondohan din ng kaukulang budget ng Department of Budget and Management (DBM).

Read more...