Mga pasahero hinimok na tanggapin na lang ang dagdag-singil sa pasahe
Nanawagan ang grupong Pasang Masda sa mga mamamayan na huwag nang umangal sa P10 dagdag sa pamasahe.
Sa isang pulong balitaan sa Maynila sinabi ni Ka Obet Martin, ang pangulo ng Pasang Masda, na dapat magkaroon ng give and take attitude sa pagitan ng mga commuter, jeepney owner at mga driver.
Ang dati kasing P9 minimum na pamasahe ay nagging P10 na ito sa Region 2, 3, 4 at sa Metro Manila.
Ngunit payo ni Ka Obet sa mga commuter huwag magbabayad kung walang official fare matrix na naka-display sa jeep.
Marami pang pampasaherong jeep ang hindi pa nakakakuha ng fare matrix dahil natapat ang pagpapatupad ng dagdag pamasahe sa panahon ng holiday para sa Undas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.