Pamamahagi ng fuel cards magpapatuloy ngayong buwan

DOTr Photo

Magpapatuloy ngayong linggo ang pamamahagi ng Pantawid Pasada Fuel Cards para sa mga operator at tsuper ng mga pampasaherong jeep na may lehitimong prangkisa.

Ayon sa abiso ng Land Transportation Office (LTO), mula November 5 hanggang 9, maaaring i-claim ang fuel cards sa LTO main office sa East Avenue sa Quezon City mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Bukas naman, November 6, araw ng Martes, may pamamahagi rin ng fuel cards sa Lakeshore hall sa Taguig City sa parehong oras.

Kinakailangan lamang dalhin ang valid ID, isang ID picture, kopya ng decision/CPC at photocopy ng latest ng OR at CR ng sasakyan.

Read more...