P25 na dagdag-sahod sa mga manggagawa sa NCR aprubado na ng wage board – DOLE

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2018 - 10:15 AM

INQUIRER.net Photo | Jovic Yee

(UPDATE) Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang P25 na wage increase para sa mga minimum wage earners sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Bello na ang P25 na dagdag sa minimum wage sa NCR ay inaprubahan ng wage board.

Magiging epektibo ang dagdag sweldo, 15-araw matapos maisapubliko ang kautusan.

Dahil sa dagdag sahod, ang minium wage sa mga manggagawa sa Metro Manila ay maglalaro na sa pagitan ng P500 hanggang P537.

Ipinaliwanag naman ni National Wages and Productivity Commission (NWPC) Executive Director Maria Criselda Sy na kung tataasan pa ang dagdag sahod ay maaring lalong makaapekto sa inflation.

Kung sa ngayon aniya ay nasa 6.7 percent ang level ng inflation, ay maaring mahigitan pa ito kung mas mataas pa sa P25 ang ibibigay na wage increase.

Maari ding magresulta ng layoff sa mga manggagawa kung sobrang taas ang wage hike na ipatutupad.

TAGS: DOLE, minimum wage, NCR, Radyo Inquirer, DOLE, minimum wage, NCR, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.