Apat na kolorum na van huli ng LTFRB sa Agusan Del Sur

LTFRB photo

Hinuli ng mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang apat na kolorum na van sa Agusan Del Sur.

Nagsagawa ng anti-colorum drive ang LTFRB sa Bayugan, Agusan Del Sur, Lunes, Nov. 5 ng umaga.

Nakitang namamasada ang mga van sa bahagi ng public terminal sa nasabing bayan.

At nang busisiin ang dokumento ay natuklasang pribadong sasakyan ang mga van at walang prankisa para mamasada.

Agad dinala sa impounding area sa Butuan City ang mga nahuling van.

Read more...