Tatlong magkakasunod na pagyanig naitala sa Hinatuan, Surigao Del Sur

November 05, 2018 - 08:25 AM

Niyanig ng tatlong magkakasunod na lindol ang bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur, Lunes, Nov. 5 ng umaga.

Sa datos ng Phivolcs, alas 7:09 ng umaga, naitala ang magnitude 3.6 na lindol sa 76 kilometers north east ng Hinatuan.

May lalim na 14 kilometers ang unang pagyanig.

Alas 7:20 naman ng umaga nang tumama ang magitude 3.4 na lindol sa naturang bayan.

Naitala naman ang epicenter nito sa 43 kilometers north east ng Hinatuan.

15 kilometers naman ang lalim ng ikalawang pagyanig.

Ang ikatlong pagyanig sa Hinatuan ay may magnitude 3.3.

1 kilometer lang ang lalim ng ikatlong lindol na naitala sa 72 kilometers north east ng naturang bayan.

Ang tatlong magkakasunod na lindol sa Hinatuan ay pawang tectonic ang origin at hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala sa ari-arian.

 

TAGS: manila water, Radyo Inquirer, service interruption, manila water, Radyo Inquirer, service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.