LOOK: Traffic situation sa NLEX

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2018 - 07:58 AM

May mangilan-ngilan pa ring motorista ang bumiyahe pabalik ng Metro Manila galing sa mga lalawigan.

Sa North Luzon Expressway maagang nagsikip ang talok ng traffic sa bahagi ng Balintawak Southbound.

Alas 6:31 ng umaga, umabot na sa Valenzuela ang tail end ng traffic.

Nanatili ang ganitong sitwasyon ng traffic sa NLEX Balintawak hanggang pasado alas 7:00 ng umaga ayon sa abiso ng NLEX Corporation.

Maluwag naman ang daloy ng traffic sa Mindanao exit kaya ang mga motorista ay pinapayuhang gamitin ang nasabing exit bilang alternatibong ruta.

Ayon sa pamunuan ng NLEX, ang bulto ng mga motorista na nagbalik sa Metro Manila ay nakabiyahe na mula Sabado hanggang Linggo.

TAGS: NLEX, Radyo Inquirer, traffic situation, NLEX, Radyo Inquirer, traffic situation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.